[Intro]
Sa mundong mapanghusga, mapangmata at mapanuri
Dapat hindi ka basta-basta nagpapaapekto sa mga paninirang puri
Lalong-lalo na kung galing lamang sa mga mahihinang uri
[Verse 1]
Sabi sa'kin ni Bathala: "Matapang ka pala"
Pusong leon kaya dibdib mo ay walang mga daga
Alam mo bang mga pangarap mo ay pansamantala lamang?
Samantala ang kapalaran ay sa mga tala nakatala
Kaya pala parang tamad ng mag-aral walang kadala-dala
Walang pambaon, pero kahapon pa ako handa
Maglakad sa gubat kahit na takot sa palaka
Inakyat ang kabundukan at maghapong naggala
Inabutan ng dilim, muntikan na 'kong mawala
Sa sarili ko, paggapang ko wala 'kong makapa
Nasa dulo na pala ng bangin, wala nang kawala
Tumalon na lang kaya ako, kakayanin ko kaya?
Kaya ako ay napadasal sabay salto padapa
Bahala na si Batman 'yan ang saktong kataga
Tsaka na 'ko gagawa ng mga pakpak ko pababa
[Chorus]
Tinanggap ang bawat hamon ng mundo, lumaban
Nakipaglaro ng apoy at patintero kay Kamatayan
Bitbit ko ay panalangin, paglabas ng pinto
Nakakapunit man ang hanging sasalubungin
Ay yayakapin ko!
[Refrain]
Andami talagang nais manira ng pangalan
Ngunit ang karamihan ay takot tumira ng harapan
'Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban
Ngingitian ko na lamang, at (Yayakapin ko)
Kahit ga'no kapait ng naranasan
Masakit na nakaraang hindi ko matakasan
Walang awang tadhana ay tatawanan
Kahit ga'no kasama ng kapalaran ay (Yayakapin ko)
[Verse 2]
Sabi sa'kin ni Satanas: "Mayabang ka pala"
Tuturuan kita kung paano magpakumbaba
'Di ka na maiisasalba ng mga kanta mong gawa
Pa'no mo tutubusin ang kaluluwang matagal nang nakasangla?
Binaba ang dangal at nagpakahangal
Para lang ikaw ay mahalin ng madla
At biniyayaan ng katanyagan kaso lang halata na hindi ka handa
Kaluluwa kapalit kasikatan, 'yan ang usapang nakatakda
Sa kontratang 'to na may pangalan mo na nakalagda
Teka lang, 'wag ka pakasigurado 'di mo pa ako pag-aari
Dahil ang titulo ng kaluluwa ko'y nasa akin
At ang kasunduan natin ay puro lamang usapang hangin
Kasi autograph ang nilagda ko sa kontrata
At handa akong tahakin ang mahabang landas pabalik
Balewala ang pagod at sakit basta pag-uwi yakap at halik
Ng aking asawang malupit at ang dalawang anak kong makulit
Para sa kanilang kapakanan gagawin ko lahat anuman kapalit
[Chorus]
Tinanggap ang bawat hamon ng mundo, lumaban
Nakipaglaro ng apoy at patintero kay Kamatayan
Bitbit ko ay panalangin, paglabas ng pinto
Nakakapunit man ang hanging sasalubungin
Ay yayakapin ko!
[Post-Chorus]
Woah-woah-woah, woah-oh
Anuman ang hangarin sa akin ng langit, kakayanin ko
Woah-woah-woah, woah-oh
Sugatan man ng malalim, tagos sa damdamin
Ay tila balewala
[Refrain]
Tatanggapin ko ng buo
Kahit pa gaano kapait (Tila balewala)
Sasagarin ko hanggang sa buto
Kahit pa gaano kasakit (Tila balewala)
Aakyatin ko ang pinakatuktok
Kahit pa gaano katarik (Tila balewala)
Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit
Dinuro-duro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik
[Verse 3]
Tinanggap ang walang kwentang mga hamon
Para bilhin si "Loonie", binenta ko si "Marlon"
Matalo man ngayon, bukas ang pwersa ko'y babangon
Pangako mas malakas pa ng triple kesa sa kahapon
At kung putapete ang ka-debate, pare, 'di bale na lang
Walang pakialam miski hirangin pinakamayabang
At kahit maraming kalaban na balak sirain ang aking pangalan ay balewala
Kasi wala naman akong pekeng imaheng inaalagaan, kaya
[Chorus]
Tinanggap ang bawat hamon ng mundo, lumaban
Nakipaglaro ng apoy at patintero kay Kamatayan
Bitbit ko ay panalangin, paglabas ng pinto
Nakakapunit man ang hanging sasalubungin
Ay yayakapin ko
[Post-Chorus]
Woah-woah-woah, woah-oh
Anuman ang hangarin sa akin ng langit, kakayanin ko
Woah-woah-woah, woah-oh
Sugatan man ng malalim, tagos sa damdamin
Ay tila balewala
[Refrain]
Andami talagang nais manira ng pangalan
Ngunit ang karamihan ay takot tumira ng harapan
'Pag hindi ko na malaman kung kaibigan ko kalaban
Ngingitian ko na lamang (Balewala)
Kahit gaano kapait ng naranasan
Masakit na nakaraang hindi ko matakasan
Walang awang tadhana ay tatawanan
Kahit ga'no kasama ng kapalaran ay, ay, ay, ay, ay
Tatanggapin ko ng buo
Kahit pa gaano kapait (Balewala)
Sasagarin ko hanggang sa buto
Kahit pa gaano kasakit (Balewala)
Aakyatin ko ang pinakatuktok
Kahit gaano pa katarik (Balewala)
Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit
Dinuro-duro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik