Gloc-9
Gloc-9 &
Gloc-9 &
Gloc-9 &
Gloc-9 & Ebe Dancel
Gloc-9 & Jay Durias
Gloc-9
Gloc-9 & Bamboo Mañalac
Gloc-9 & Cathy Go
Gloc-9 & Billy Crawford
Gloc-9
Gloc-9 & Chito Miranda
Gloc-9 & Bambu & Maychelle Baay
Gloc-9 & Denise Barbacena
Gloc-9 & Jaq Dionisio
The first track from Filipino rapper Gloc 9’s new album, MKNM : Mga Kwento ng Makata (Stories of a Poet).
In this track a rapper named Syke is introducing the album with his poem.
Kung may alak may balak
Lasing sa kasalukuyan ngunit malaman ang alaala
Gising at kasalukuyang malala na
Nadala na sa nakaraang magdamag na baon sa pagtulog
Bukas ang bakas ay maibabaon sa limot
Eto ang mga kwento ng makata
Basahin ang mga nasa gitna ng talata
Siksik na parang delata, seksi parang dalaga
Sorry 'di na ako binata
Ang mga kwento ng makata
Inumpisahan sa tulang pinamagatang Balak
Isinulat na walang alak
Laman lamang ng utak ang pinadaloy sa panulat
Laman ng puso ang pangmulat na walang panggulat
Simple lang, kabado, easy lang
Kung busy, ngisi lang
Kalmado, steady lang
Ngayon ang panahon ng pagbubuhat ng sariling bangko, keri lang
'Di mo kailangan mag Ingles para malaman nilang matalino ka
'Di rin naman kailangang managalog para malaman nilang Pilipino ka
Pilipino ka, kalabaw ka hindi ka baka
Hindi ka mansanas kundi mangga
At 'wag mo nang asahang datnan ang panahong tatangos ang iyong ilong, tsong
Hindi ka puti, kayumanggi ang kulay mo
Mahalaga kung ano ang kaya mong gawin
Gawing magaling, tinitibok ng bawat damdamin ang gawang magaling
Sumigaw kung kailangan na mailabas ang nagbabagang galit sa dibdib
Ngunit sunog na ang daigdig sa mga sinasabing walang silbi
Kaya nakasalpak sa mga manhid ang panawid-gutom, kumakalam ang tenga
Nakasalampak sa sahig ang mga patay-gutom, said walang kumakalinga
May mga pantas na 'di malaman ang tungo
Hindi puso kundi nguso ang panturo
Naging sinungaling ang mga labi ng mga bagong salinlahi
'Di pa huli ang lahat, hawiin ang ulap nakakabulag
Kini mao ang akong balak at ang balak namin ni Gloc
Maging makabuluhan ang pagkaguluhan ng nangagarap
Balak ni Syke was written by Syke.