Fred Panopio - Bakit Ako'y Pinaasa
Adapt. "WHO BROKE YOUR HEART AND MADE YOU WRITE THAT SONG" (1974)
Titik: Ernie dela Pena
PP-7485-B
Esinaayos at kinumpasan ni Philip Maninang
Chorus: Bakit ako'y iyong pinaasa?
At ako'y pinahintayhintay mo pa
Ang akala ko ako'y mahal mo sinta
Ngunit hindi pala
I Kaysakit na pagkabigo
Ang dinanas nitong puso
Ang pag-asa ay naglaho
Dahil sa pagsuyo
II Sa iyong pagkukunwari
Nadama ay anong hapdi
Ng aking pusong sinawi
Luha'y di mapawi
(Ulitin ang Chorus)
III Noon pa ay nabatid
Na ako'y di iniibig
Di gaanong masasaktan
Puso sa pag-ibig
IV Ngayon ko lamang nabatid
Ikaw ay sadyang kaylupit
Hinayaan sa pagtangi
At ako'y nagtiis…
(Ulitin ang Chorus)
Bakit Ako’y Pinaasa was produced by Ernie Dela Peña & Philip Maninang.
Fred Panopio released Bakit Ako’y Pinaasa on Mon Jul 07 1975.