[Intro: Sisa]
Oh oh oh...
Oh oh oh...
[Verse 1: Crazymix]
Ika'y palagi kong minamasdan
Nag-aabang sa tambayan sa tuwing ikaw ay dadaan
Gumagaan ang feeling 'pag nasisilayan ko
Ang mala-diyosa na taglay na kagandahan mo
Matamis mong mga labi at chinita na mata
'Di maipaliwanag ang nadarama kapag nakikita ka na
At kapag ngumingiti ka na bigla akong naaaliw
Tulala umiiling na para bang nababaliw
Kailan ka ba magiging akin
'Yan ang katanungan na palagi kong binubulong sa hangin
Nananalangin at nagdarasal
Sa may kapal na balang araw makapalitan ng pagmamahal
Kaya nang mapasa'kin ka'y tila sa ulap ay nakasakay
Mga anghel kumakaway at umaawit ng sabay-sabay
'Pag hawak ko ang iyong kamay lumulutang at tinatangay
Ng hangin sa kalangitan at ang tangi kong nadarama'y
[Chorus: Sisa]
Parang ang bahaghari ay lumitaw sa aking harap
Parang hindi makagalaw sa'yo ay nasisilaw
O umiwas ka baka ika'y malusaw
Dahil hindi ko mapigilan ang mga matang ikaw ay matitigan
[Post-Chorus: Sisa]
Oh oh oh...
[Verse 2: Crazymix with Sisa]
Sino bang mag-aakala
Na ang katulad mong diwata pala ang sa'kin itinadhana
Daig ko pa ang pinagpala ni Bathala
Na ang pana ni Kupido ay sa atin pinatama
'Di alintana ang sabi-sabi
Sa buong mundo'y walang pake basta ikaw ang aking katabi
Dahil madami ang naiinggit
Bakit daw ang tulad kong tagalupa ay mala-diyosa pa ang nabingwit
Malayo nga daw ang pagitan
'Wag n'yo akong gisingin kung panaginip lamang 'to o kunwarian
Pag-ibig nga'y makapangyarihan
Lahat ng kabaliwan 'di mawarian 'pag nasa kanyang kaharian
Kasi nga nang napasa'kin ka'y tila sa ulap ay nakasakay
Mga anghel kumakaway at umaawit ng sabay-sabay
'Pag hawak ko ang iyong kamay lumulutang at tinatangay
Ng hangin sa kalangitan at ang tangi kong nadarama'y
[Chorus: Sisa]
Parang ang bahaghari ay lumitaw sa aking harap
Parang hindi makagalaw sa'yo ay nasisilaw
O umiwas ka baka ika'y malusaw
Dahil hindi ko mapigilan ang mga matang ikaw ay matitigan
[Bridge: Sisa & Crazymix]
Langit at lupa ang pagitan
(Ngunit sa pag-ibig ay pantay-pantay)
Kung saan nagmula'y 'di malaman
(Nasulit ang aking paghihintay)
'Lika sa'ting tagpuan kung saan ang hantungan ay matamis na pag-iibigan
Kaya 'pag hawak ko ang 'yong kamay lumulutang at tinatangay ng hangin
Sa kalangitan at ang tangi kong nadarama
[Chorus: Sisa]
Parang ang bahaghari ay lumitaw sa aking harap
Parang hindi makagalaw sa'yo ay nasisilaw
O umiwas ka baka ika'y malusaw
Dahil hindi ko mapigilan ang mga matang ikaw ay matitigan
[Outro: Sisa]
Oh oh oh...
Oh oh oh...