Ayoko Sa Dilim by Francis M.
Ayoko Sa Dilim by Francis M.

Ayoko Sa Dilim

Francis M. * Track #8 On Meron Akong Ano!

Ayoko Sa Dilim Lyrics

[Intro]
Ayoko sa dilim

[Chorus]
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Ayoko na dito, ayoko sa dilim

[Verse 1]
Walang kuryente mula sais bente
Hanggang alas dose, kasi, kasi
Atras abante ang bansa natin
Mabagal ang abante, ang atras ay matulin
Pa'no uunlad kung tatamad-tamad?
Eh 'di uminom na lang ng bilog o lapad
Tutal walang ilaw at saka tubig
Laging gumagalaw ay mga bibig

[Refrain]
Politika, salita, salita, salita
Kulang sa kilos, puro dada
Lahat nang makausap ko ay isa ang sinasabi
Gumawa ka ng kanta tungkol sa brown-out palagi
Mula sa Marikina hanggang sa Parañaque
Sa loob ng Caloocan, Mandaluyong at Arranque
Iisa ang sinasabi, sa brown-out palagi
P****ina, ang tagal nito, pare

[Chorus]
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Ayoko na dito, ayoko sa dilim
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Ayoko na dito, ayoko sa dilim

[Verse 2]
Dahil sa brown-out, nasunog ang bahay
Gustong mag-brown out ang akyat-bahay
Kapag may brown-out, maraming manyakis
Dahil sa brown-out, maraming buntis
Kapag may brown-out, nakatunganga
Dahil sa brown-out, nalulong sa droga
Dahil sa brown-out, patay ang makinarya
At dahil din sa brown-out, puno ang punerarya

[Verse 3]
Walang kuryente mula sais bente
Hanggang alas dose, kasi, kasi
Atras abante ang bansa natin
Mabagal ang abante, ang atras ay matulin
Pa'no uunlad kung tatamad-tamad?
Eh 'di uminom ka lang ng bilog o lapad
Tutal walang ilaw at saka tubig
Laging gumagalaw ay mga bibig

[Refrain]
Politika, salita, salita, salita
Kulang sa kilos, puro dada
Lahat nang makausap ko ay isa ang sinasabi
Gumawa ka ng kanta tungkol sa brown-out palagi
Mula sa Marikina hanggang sa Parañaque
Sa loob ng Caloocan, Mandaluyong at Arranque
Iisa ang sinasabi, sa brown-out palagi
P****ina, ang tagal nito, pare

[Chorus]
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Ayoko na dito, ayoko sa dilim
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim
Ayoko na dito, ayoko sa dilim

Ayoko Sa Dilim Q&A

Who wrote Ayoko Sa Dilim's ?

Ayoko Sa Dilim was written by Francis M..

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com