Atat by Ron Henley (Ft. Muriel)
Atat by Ron Henley (Ft. Muriel)

Atat

Ron Henley & Muriel * Track #4 On Wala Pang Titulo

Atat Lyrics

[Verse 1: Ron Henley]
'Di na 'ko makapaghintay, makatulog, managinip
Hawak ang iyong kamay sa may sulok, sa may gilid
Ang ibig kong sabihin ay 'di man kita maabot
Pero 'pag ako ay nakahiga, tayo ay nagpapantay
Mata sa mata, ilong sa ilong, bibig sa bibig, mga halik sa leeg
Kasabay ng mga kanta na nakakakilig, ang sarap makinig
Habang dumidila ka pababa ng dibdib, pababa sa lugar kung saan ay liblib
Sa lakas ng huni ay sumasabay pati ang mga kuliglig
Ako'y atat na atat na sapagkat nalulungkot ang inyong lingkod
Sana magpakita ka na 'pag 'di ka sumipat, nako po, hindot
Alam mo bang kung ang laro ay taguan, ako ang laging taya?
Hinahanap-hanap kita, 'di kita matagpuan, nasa'n ka kaya?
Busog ang lahat ng buwaya kasi ika'y makalaglag matsing
Kaso matigas ang iyong leeg sa katulad ko, 'di ka namamansin
Sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep, sa trike, sa bus at sa tren
Kahit na buo ang binibigay mo, sana kahit papa'no may sukli ka pa rin

[Chorus: Muriel]
Mga kamay ko ay nalulumbay, 'di makapaghintay
Mahawakan ang sa'yo
Mahawakan, mahawakan ang sa'yo
At ang labi ko ay nangungulila
Sana nga ay madampian ng iyo, ng iyo, ng iyo
Madampian ng iyo

[Verse 2: Ron Henley]
'Di na 'ko makapaghintay, makatulog, managinip
Sakaling makaakbay sa may sulok, sa may gilid
Walang mga matang nagbabantay
Tara humiga ka sa aking tabi nang tayo ay magpantay
Nagbabasahan ang mga utak, tila nagpapasahan ng mga sulat
Takpan man ng mga ulap, buo pa rin ang pangungusap ng mga matang nangungusap
Sa init ng ating katawan, daig pa ang disyerto
Ang malamig na silid at presko panandaliang naging impyerno
Kahit saan ang pwesto, tuloy pa rin ang kwento
Masigabong palakpakan pagkatapos ng konsyerto
Sago't gulaman, gin pomelo, saging con hielo, isang modelo, isang kuneho
Magkakaiba man pero swak pareho
Sa mundong 'to terno tayo ng kulay, magkasalungat sa tunay na buhay
Ikaw 'yung orig na nahalo sa ukay, ako 'yung prutas na naakit sa gulay
Buti na lang, wala kang kasama, pagkakataon upang makilala
Bago ko lang matuldukan, subukan nating simulan sa comma

[Chorus: Muriel]
Mga kamay ko ay nalulumbay, 'di makapaghintay
Mahawakan ang sa'yo
Mahawakan, mahawakan ang sa'yo
At ang labi ko ay nangungulila
Sana nga ay madampian ng iyo, ng iyo, ng iyo
Madampian ng iyo

[Post-Chorus: Ron Henley, Muriel]
Ako'y atat na atat na
Ako'y atat na atat na
Ako'y atat na atat na (Madampian ng iyo)
Ako'y atat na atat na
Ako'y atat na atat na
Ako'y atat na atat na (Madampian ng iyo)

[Verse 3: Ron Henley]
'Di na 'ko makapaghintay, malalim na ang gabi
Makunat na ang tinapay, malamig na ang kape
'Di na mapakali, nand'yan ka na ba?
Dalian mo naman para mahaba ang oras nating dalawa
May usapan tayo alas-dose, 'wag kang makalimot
Wala ka sa tulay ng San Juanico, 'wag kang magpakipot
Punuan man ang puso mo, wala sanang magalit
Handa akong sumabit, ayos lang kahit mangawit dahil

[Chorus: Muriel]
Mga kamay ko ay nalulumbay, 'di makapaghintay
Mahawakan ang sa'yo
Mahawakan, mahawakan ang sa'yo
At ang labi ko ay nangungulila
Sana nga ay madampian ng iyo, ng iyo, ng iyo
Madampian ng iyo

[Outro: Muriel, Ron Henley]
'Wag na nating ipagpabukas pa (Ako'y atat na atat na)
Gusto ko sana ngayon na madampian ng iyo
'Wag na nating ipagpabukas pa (Ako'y atat na atat na)
Gusto ko sana ngayon na madampian ng iyo
'Wag na nating ipagpabukas pa (Ako'y atat na atat na)
Gusto ko sana ngayon na madampian ng iyo
'Wag na nating ipagpabukas pa (Ako'y atat na atat na)
Gusto ko sana ngayon na madampian ng iyo

Atat Q&A

Who wrote Atat's ?

Atat was written by Ron Henley.

Who produced Atat's ?

Atat was produced by Jaydee Gungon.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com