[Intro]
Everybody chillin' when I'm feelin' weak
I'm just tryna find a box to put my feelin' in
Tone and mode to the beat
I guess we're killin' it, killin' it
Can a hero give a little love?
Without you in this block
Tryna find a word for my passion
For this music in my end
I guess I call it love
[Verse 1]
Yo, 'di nila inaasahan na tatagal nang ganito (Ah)
'Di huminto o nangalay parang mga kamay ng relo
Walang inaasahan, nakakapit sa pinanghawakan
Sumaludo parang kapitan para sa isang kapita-pitagan
Valenzuela boy, hell, yeah, tabalado mga peste
Mga tunay lamang ang pwede, sa sirkulo walang peke
Sa harap, sa likod ng lente, natural parang amat ko 'pag nasa ere
Hilahan pataas 'to syempre (Uh)
Maraming pumupusta na ako ang matutusta
Pero, sino ang naubos sa bumuga ng apoy, sunog laman ng mga bulsa?
Sinalo ang mga kutsa, pero 'binalik ko sa kanilang mukha
Nilubog, binaon, pumalag, at muling umangat na parang isang punla
[Verse 2]
Araw-araw ko lang sinipagan, naaning sa'king mga binitawan
Mga nasiraan ng bait kasi 'di matibag nung ako ay siniraan
'Di pinanghinaan, lalo pang ginaganahan kapag pinipilit nila na tapakan
Iba't iba ang uri ng kasikatan, nabilad 'to kaya 'to ginagalang, may napatunayan
'Di umasa sa tsamba, sa krus o kara, o bahala na si Bathala
O tadhana, tyinaga ng batang taga-kwadra
Hanggang hahinog ang bunga nakapwesto, malabo nang mapahinto pa
Kaya manawa ka sa itsura hanggang sa 'di mo na masikmura
[Verse 3]
Parang baliw kapag mag-isa, musika lang ang nagpapatino
Minsan nakakabanas dahil nga ang tadhana palagi ay palabiro
Pero maraming hinugot na aral, diskarte, istilo sa pagkabigo
Ngayon, kahit na mismong may ayaw sa akin nakaabang sa mga gagawin ko
Sa gera laging handa na, sa aking kamay ang bandana
'Kababa na ang balaclava, natutunan ka sa kalsada
'Yung iba may tira, habang 'yung iba naman mayro'n lang kargada
Nagmistulang tingga 'yung tinta nung sinalinan na sa papel, nagbabaga
Na parang ganja, mapapalubog mo 'ko? Asa
Matalo mo 'ko may tyansa, pero babalik parang karma
Sipag ko mala-Mamba, palaging ganado, alam 'yan ng masa
Kaya nga ako masagana, ngayon sino'ng huling nakatawa, haha
[Verse 4]
'Di ako nagmadali, kinuha muna rеspeto bago salapi
Nung nawalan ng paki, mayro'n pala tayong sariling tama't mali
At kahit pa lumamig, handa akong magmasid, magkulong, at bumalik
Nang walang patid, laging sabik na sa bagong lebel pumanhik
Madulas man o matalisod pa, dahil sa balansе matagal maitumba
Tinanim, nagkabunga, at naipon na
Ngayon na ang panahon para malikom, ah
Mga bibig ay napatikom, bumubukas lang 'pag nakatalikod
Galit sila, 'di na nila mabilog
Lipad ay matayog habang nasa Kinton Cloud
Nung unang pumasok agad nambulabog at upang umabot papuntang tugatog
Nahulog, bumangon, naubos 'yung takot, nawalan din, kalaunan humakot
Kahit matandain, limot ko 'yung pagod
Piniga 'yung ulo para mag-ingay, parang bao kaya sulit 'yung kayod
Mulat na at 'di nangangapa, hanggang madadala 'di madadala
Tatatak sa isip ng mga madla, pamana na nagbunga sa pagkadapa
Nakahanda, lagi lang nakakasa, nakamarka dahil may pagmamahal
Kaya naman, kung sa tingin mo, 'di na 'to magtatagal o mawawala
Asa ka, boy
[Outro]
Everybody chillin' when I'm feelin' weak
I'm just tryna find a box to put my feelin' in
Tone and mode to the beat
I guess we're killin' it, killin' it
Can a hero give a little love?
Without you in this block
Tryna find a word for my passion
For this music in my end
I guess I call it love, love
AsaKaBwoii was written by Apekz.
AsaKaBwoii was produced by Yung Bawal.
Apekz released AsaKaBwoii on Tue Apr 11 2023.