[Verse 1]
Apat na buwan lang minahal
Apat na buwan ding nagtagal
Ating pabalik-balik
Na pahiwatig sa isa't isa
Apat na buwan kang sumandal
At hinayaang tumagal
Noo'y pabalik-balik ka
Ngayo'y parang 'di ako kilala
[Pre-Chorus]
Alam na'ng dapat gawin
Sa alanganing pagtingin
Itong usbong ng damdamin
Kalimutan
[Chorus]
Heto ako nag-iisa
Namamalagi sa pag-asa
Sa baka sakali nating dalawa
Balik sa ating simula
Ba't sa pag-iisa
Ikaw lang ang tanging nadadama
Oh, 'di magpapahalata
Habang ika'y nasa iba
Ako'y nasa'ting umpisa
[Verse 2]
Inibig ka nang totoo
Sa bawat segundong kinailangan mo
Inibig mo 'ko sa gabi lang
'Pag sarado na'ng mga pinto
Bakit mo pa 'ko inangkin
Kung iibigin lang nang patago?
[Pre-Chorus]
'Di ka na babanggitin
Palihim tatangappin
Itong usbong ng damdamin
Kalimutan
[Chorus]
Heto ako nag-iisa
Namamalagi sa pag-asa
Sa baka sakali nating dalawa
Balik sa ating simula
Ba't sa pag-iisa
Ikaw lang ang tanging nadadama
Oh, 'di magpapahalata
Habang ika'y nasa iba
Ako'y nasa'ting umpisa
[Instrumental Break]
[Bridge]
Sinubukan ko naman
Walang maramdaman
Oh, sana nga wala akong pakialam
Oh, sana nga wala na lang akong pakialam
[Chorus]
Heto ako nag-iisa
Namamalagi sa pag-asa
Sa baka sakali nananatili
At sa pag-iisa
Ikaw lang ang tanging nadadama
Oh, 'di mo ba sinasadya
Habang ika'y nasa iba
Ako'y balik sa umpisa
Apat Na Buwan was written by Janine (PHL).
Apat Na Buwan was produced by Janine (PHL) & Timothy Run & Jean-Paul Verona.
Janine (PHL) released Apat Na Buwan on Fri Aug 16 2024.