Ang Katulad Mong Walang Katulad by Orange & Lemons
Ang Katulad Mong Walang Katulad by Orange & Lemons

Ang Katulad Mong Walang Katulad

Orange & Lemons * Track #4 On Moonlane Gardens

Ang Katulad Mong Walang Katulad Lyrics

Kung saan-saan napupunta
Lakwatserong mga paa
Hawak ang pag-asang
Sa wakas makikita ko na

Ang katulad mong walang katulad
(Ang katulad mong walang kaparis)
Meron pa ba? Meron pa ba
Ang kagaya mong nag-iisa?

Di-nial na ang lahat ng numero
Sa telepono kong antigo
Hawak ang pag-asang
Sa wakas makausap ko na

Ang katulad mong walang katulad
(Ang katulad mong walang kaparis)
Meron pa ba? Meron pa ba
Ang kagaya mong nag-iisa?

Kinatok na ang bawat pintuan
Bawat sulok pinuntahan
Sa langit hatid
Panalangin ihulog na sa 'kin

Ang katulad mong walang katulad
(Ang katulad mong walang kaparis)
Meron pa ba? Meron pa ba
Ang kagaya mong nag-iisa?

Meron pa ba? Meron pa ba
Ang kagaya mong nag-iisa?

Baka wala na
Wala na

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com