[Verse]
Sumilong ka nang 'yong nadama
Ang unang patak ng ambon
Tag-ulan nang tayo'y nagkakilala
At kay bilis naman nating tumila
[Pre-Chorus]
Pagmasdan ang kaulapan
Nang kita'y mahalikan
[Chorus]
Ngunit sumilong sa payong
Nangangamba sa aking dalang
Pag-ibig na kay lambing
Katulad ng isang kalmadong ulan
[Verse]
Handa ka na sa pag-alis ng araw
Nang masayaw kita sa gitna ng ambon
At hinayaang tumahan na lang
Nang 'di pa nabubuhos nang lubos
[Pre-Chorus]
Naaaninag ang pagsikat
Huli na nga ang lahat
[Chorus]
Nang sumilong sa payong
Nangangamba sa aking dalang
Pag-ibig na kay lambing
Katulad ng isang kalmadong ulan
[Bridge]
May dumadaloy sa 'yong mga mata
Ambon lang ba o luha
'Di kita sinisisi kung 'di ka pa handa
Sa 'king dalang ambon
[Chorus]
Kaya't sumilong sa payong
Nangangamba sa aking dalang
Pag-ibig na kay lambing
Katulad ng isang kalmadong ulan
[Outro]
'Wag nang sumilong sa payong
Ibubuhos ko sa 'yo lahat ng aking dalang
Pag-ibig na kay lambing
Katulad ng
Katulad ng ambon
Ambon was written by David La Sol.
Ambon was produced by Shadiel Chan.
David La Sol released Ambon on Sat Aug 06 2022.