Ambag by Gloc-9 (Ft. Shockra)
Ambag by Gloc-9 (Ft. Shockra)

Ambag

Gloc-9 & Shockra

Download "Ambag"

Ambag by Gloc-9 (Ft. Shockra)

Release Date
Fri Apr 04 2025
Performed by
Gloc-9Shockra
Produced by
Cursebox
Writed by
Gloc-9 & Smugglaz & Tuglaks & Flict G & Crazymix & Abaddon (PHL) & Numerhus & Kial

Ambag Lyrics

[Intro: Gloc-9]
Haaaaaaaaah
Haaaaaaaaah
Hayaan niyong ibalik ko nang buo lahat ng ambag niyo
Kung mamarapatin lang sana ngayon, isali niyo ako

[Verse 1: Gloc-9]
1997, No'ng lumapag ang lagapak ni Gloc
'Di ako makapaniwala, laman ng mga song hits, ano 'yan, hip-hop?
Rap-rapan, palawakan, talamak ang salitang pinapaindak
'Di naman puwedeng maging breakdancer na rapper, mag-alba't Tick Tock
Kasi 'di talaga kaya, madayang tadhana, bintanang puro "sana" ang tanaw
Kaya pa kayang makilala, maalala, kahit ang salang ay hilaw?
Hanggang sa nadinig ko na may mga bata na sa 'kin ay sumusubaybay
Lumulupaypay ng mga katagang nananalaytay
Nakita ko si Abaddon do'n, sa radyo pa noon
On-air lang ang siyang labanan, wala pa nga 'kong cellphone
Parang si 2Pac, si Tuglaks, siksikan, halos matulak
Apir, tapos nag-usap, at nagkahimayan ng utak
Kahit walang gang-gang, 'di sanay sa bang-bang
Bumilib sa 187 Mobstaz, galing din
Kasi 'di ito tsamba, parang Kobe na Mamba
Ipagkalat mo na nagsama si Gloc-9 at Shockra

[Chorus]
Hayaan niyong ibalik ko nang buo lahat ng ambag niyo
Kung mamarapatin lang sana, ngayon isali niyo ako
Hayaan mong ibalik ko nang buo, patawarin niyo ako
Kung napaaga lang (Kung napaaga lang), at may nakakaalam (May nakakaalam)
Siyam tayo at 'di walo

[Verse 2: Abaddon]
Nagsimulang tumula no'ng mga panahong tinatawanan pa
Ang katulad ko kapag kami napapadaan na sa may kanto
Malalang tuksuhan, mistulang may putik ka sa mukha mo
'Di mo tuloy malaman kung sumpa ba 'to o 'sang regalo?
Minamaliit pa ang tugtugan namin
Sa'n daw nanggaling ang aming trip, ta's pormahang alanganin
Nababaduyan ang tropa, walang gustong sumuporta
Pero pinilit tahakin ang daang walang direksyon at maraming kontra
Buti na lang mayro'ng napakinggan na Aris
Tinuring pamantayan sa paggamit ng papel at lapis
Bumuo ng samahang sumunod sa mga bakas niya na naiwan
Sinigurado na 'di mapapahiya kapag kaniyang napakinggan
Sulit ang matagal niyang pag-asam at pag-abang
Tadhana na ang gumalaw ng sakalam na paghakbang
Alam kong pinangarap mo din 'to na maganap
Nawala man ang ika-walo, pero dumating ang ika-siyam

[Verse 3: Crazymix]
Labing-anim ako no'ng nadinig, isang makata na walang kasing tulin ang bibig
Do'n ako napabilib, habang kinikilig, iniisip ko ako si Gloc-9 sa aking silid
Play, pause, rewind, habang sinusulat ang mga kanta mo kahit na mapuyat
Ay kinakabisado ko ang bawat bitaw sa Walkman kong malapit nang ma-lowbat
Hanggang sa nakagawa na din ng tula, mga salita na magkakatugma
Ni-rap ko nang mabilis sa boses na manipis, halata 'to kay Aris 'to nakahulma
At naging Crazymix na ang dating Mico, salamat Sisa, Crispin, Bassilyo
Nakasama ko na din si Francis M, D-Coy, at Aristotle Pollisco
At sa bilis ko may mga nagalak, mga natanggap na mga palakpak
Ang galing-galing ko na nga daw mag-rap, gayang-gaya ko na nga daw si Gloc
Hanggang sa naisip kong medyo mali 'to, na makisilong lang sa iyong anino
Okay lang na ikaw pa din ang idol ko pero binago ko boses ko't istilo
At nabuo ang banda, pangratratan ang genre
Walong Sumpa na mga panggulat na tinawag na Shockra
Ambag mo'y apoy kung ba't nagagawa ko, sumunog ng mikropono sa entablado
Ikaw ang patunay na 'di malabo na maging makata ang simpleng tao

[Verse 4: Flict-G]
Dumating na ang oras na itinakda ng tadhana bago 'ko tumanda
Para 'pag natupad ito, dapat handa ka palagi na malapag ang pinakamalakas mo na akda
Na tumatagos sa mga bunbunan ng mga kumpulan
Sa tambayan ng mga nakikinig, hanggang ngayon kinikilig, mga tao nabibilib dahil sa 'king ability
Ang kanta ko binibili, pati na CD, DVD na tumpukan
Handa ako lagi makibungguan hanggang sa dumating ako sa sukdulan
Nang nais ko na marating na tagumpay, uulit-ulitin ko ulit nang walang humpay
Hanggang sa 'di malayo na mangyari na 'yung tagumpay na lang ang kusa na maumay
Ah, limit breaker, naka-focus ako lagi sa pagiging greater
Kayang-kaya kong rap-pan kahit na ano, tongue twist? "Peter piper pickled pepper"
Ano nga ba ang pinakamahusay na kanta? 'Yan ang laging tanong ng napakarami (What?)
Bigyan mo kami ng Gloc-9 sa tagiliran, tatapusin namin ang mga debate
Aming sasagarin ang mga piyesa, 'di magpapadaig 'to, mga repa
'Di patatagalin, mabilis kakanain, akin nang kakalampagin mga tenga
Lupaypay, gutay, ang sino mang humarang sa mga ambag ko, goodbye
'Di maumay abutin ang mga pangarap ko na talagang makulay

[Verse 5: Tuglaks]
Gan'to nagsimula ang pangarap ng isang
Batang mahilig tumula, pinagtatawanan
Walang bumilib, gustong makinig, kaya sa silid nagra-rap mag-isa
Ang 'di niya lang alam ay pinapakinggan siya na palihim ng kaniyang ina
"Anak, may dala ako na cassette tape
Nabili ko sa Odyssey, Kings Of Da Underground ng Death Threat"
Sinalpak agad, unang bungad ay agad na bumaliktad
Napa-"Oh my God", volume ay sinagad nang marinig kong mag-rap si Gloc-9
"G" to the "L" to the "O" to the "C" dash 9, nabaliw ako sa flow ni Gloc-9
A to the K to the 47, 24/7 ako nagsanay
Hanggang sa silid, lumabas na, 'yong mga hindi bilib, napahanga
Tuglaks na ngayon, ang bata noon, tumpak ako 'yun
Malabon Thugs, 187, Shockra, 'di tumigil, nainip, nagtiyaga
At pinangako kay Inozent One na gagalingan
Hanggang sa makasama namin sa isang kanta, alam ko si Ino ngayon masaya
Kasi natupad na ngayon ang collab ng Walong Sumpa at ika-siyam na si Masta

[Verse 6: Kial]
Biglang naggunita, bumalik sa kapanapanabik makumbida
Pakiramdam na palaging umpisa, pero 'pag gumana kala mo walang muli pa huli na
Kung sumagad ay 'di na maaninag, 'yung makatang tahimik kanina
Na para bang sinapian ng kasalungat ng aliping mahina
Pero pirming nagpapakumbaba habang ang pangarap itinataas
Husay ang siyang nagdadala, katibayang sa gawa nilalabas
Katuwang ng mga nauna, 'yong pambihira manglapas
Tangan sa beat, kabit-kabit na tugma ang 'di kumakalas
Kahulugan ay lihim, kailangang sisirin
Bago ka liparin ng matatalinghagang may sining
Na dapat naisin mo na isipin, anumang sabihin, 'di mabibitin
Mala-Gloc na 'pag ratrat, AK to the 4 to the 7, iyong sasapitin na
Panahon na mismo ang naging saksi
'Pag nag-Shockra, 'matik Beast Mode
Ta's may katabi na Aristotle Pollisco
Masdan ang anino kung sa'n may Hidden Info, 'bout to kill your ego

[Verse 7: Numerhus]
Kung meron man akong kinabaliwan, 'yon ay musika mong kinaadikan
Kong pinapatugtog, binabalikan, kulang na lang, mga CD halikan
Kaya nangarap din ako na maging rapper, damit ko noon sa laki, para bang daster
'Di man nakalapit habang hawak ang marker, sa malayo ay nakasaludo ako, master
Mula pa dalawang libo ikaapat, hanggang dalawampu't apat
Nakasunod pa rin sa yapak ng nag-iisang Gloc
Dahilan kung bakit may mga matuling dila
Mga awitin mo na parang hindi ka humihinga
Bakit mayro'ng Walong Sumpa na ngayon dinadakila?
Dahil sa 'yong mga lagapakan na aming nakita
Heto lang, basta walang Masta Gloc-9, walang fast rap
Walang Walong Sumpa, shock 'n' rap game, ah-yeah
Uh-huh, hindi sa bilis nasusukat, kung 'di sa bigat ng 'yong sulat
'Turing mong kidlat 'pag nanggulat
Salamat sa pagpasa mo ng 'yong liwanag
Malubak man, musika mo ang siyang pumatag
Alam kong ni sa panaginip ay hindi niyo inasahang
Magsasama-sama sa awitin ang mga pinag-aralang minsan niyo ng tinawag na idolo, salamat

[Verse 8: Smugglaz]
Mula "Kings Of Underground", "Domination" hanggang sa "Ako Si", nag-iisa
Tunay na lodi petmalu, sa pangkaraniwang rap ay naiiba
Hindi niya inakalang 'pag nasa entablado't mic kada bibira
Ay may batang Smugg na galing pa sa Mob, pakawala ni Gab na na-inspira
Teka, sino 'to? Isa sa tunay na may titulong iniidolo
Humanda ka na, par, kapag nagpaandar siya'y rumaragasang behikulo
Simbolo, katotohanan na ako'y disipulo
Ng mga salin na aral sa mga sinulat mo na bersikulo
Magmula pa noon, hanggang sa ngayon, pakiramdam ko ako'y sinasaniban
Tulad mo na simpleng taong nagiging halimaw, lapis at papel, taglay na kapangyarihan
'Di pangkaraniwan ang nasa kamay na pag-asa
Dahil sa 'yo ay tumapang mangarap na matupad ang mga "sana"
Sana balang araw, ikaw ay makasama
Hanggang sa dumating, daig pa ang bumahing ng dilat, lumitaw na sa mapa
Walang kapantay dala kong galak sa paghihintay kay idol na Gloc
Nagbunga na mga binhi mong tanim, at ngayon ay pasasalamat naman ang namulaklak

[Chorus]
Hayaan niyong ibalik ko nang buo lahat ng ambag niyo
Kung mamarapatin lang sana, ngayon isali niyo ako
Hayaan mong ibalik ko nang buo, patawarin niyo ako
Kung napaaga lang (Kung napaaga lang), at may nakakaalam (May nakakaalam)
Siyam tayo at 'di walo

Hayaan niyong ibalik ko nang buo lahat ng ambag niyo
Kung mamarapatin lang sana, ngayon isali niyo ako
Hayaan mong ibalik ko nang buo, patawarin niyo ako
Kung napaaga lang (Kung napaaga lang), at may nakakaalam (May nakakaalam)
Siyam tayo at 'di walo

[Outro: Inozent One]
Ah, siyempre, unang-una nagpapasalamat kami sa Panginoon (Ha)
Gusto lang naming malaman niyo na 'yong journey namin, hindi rin gano'n kadali (Ha)
Maniwala lang kayo palagi, may mangyayari
Ipagpatuloy niyo lang

Ambag Q&A

Who wrote Ambag's ?

Ambag was written by Gloc-9 & Smugglaz & Tuglaks & Flict G & Crazymix & Abaddon (PHL) & Numerhus & Kial.

Who produced Ambag's ?

Ambag was produced by Cursebox.

When did Gloc-9 release Ambag?

Gloc-9 released Ambag on Fri Apr 04 2025.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com