[Verse 1]
Ayun na naman si Totoy at umiiyak
Nasa isang sulok at hilo ang utak
Mangyari ang Inay, umaga pa'y pumuputak
At sa kanyang Ama'y tumatalak
Madalas na itong si Totoy ang nasisinghalan
Pag-alis ng tatay niyang hindi na rin makatagal
Ganitong uri ng buhay sa isip niya ay nakin'tan
Sa umaga, 'yan ang kanyang almusal
Sa tanghaling tapat ang nanay niya'y nagsusugal
Binabatukan siya 'pag umaangal
Pinabayaan niya si Totoy na maging hangal
Sa halip na ituro kung alin ang bawal
Ganitong uri ng buhay ang kinagisnan
Ano ba't ang tama at mali? Hindi niya alam
Alin at saan bang panig ang kanyang pupuntahan?
Kung ganyan lagi ang kanyang tanghalian
[Chorus]
Almusal at tanghalian
Pasalamat ka kung mayro'n pang hapunan
Almusal, tanghalian at hapunan
Para kay Totoy ay 'di bale na lang
Huwag na lang
Huwag na lang
[Verse 2]
At isang hapon ang luha niya'y muling pumatak
Dahilan sa ang pamilya niya'y nagkawatak-watak
'Pagkat ang tatay niyang laging nalulunod sa alak
Sa ibang babae ay mayro'ng anak
Kaya si Totoy na palagi nang walang imik
Sa kalinga ng magulang ay sabik
Nalason ang isipan kung kaya naghimasik
Ngayon si Totoy ay isa nang adik
O marami pa ang totoy na naliligaw
Kung Ama't Ina ka marahil ang may sala'y ikaw
Maging halimbawang magulang sa bawat galaw
Sa kinang ng tukso'y huwag kang papaagaw
[Chorus]
Almusal at tanghalian
Pasalamat ka kung mayro'n pang hapunan
Almusal, tanghalian at hapunan
Para kay Totoy ay 'di bale na lang
Almusal at tanghalian
Pasalamat ka kung mayro'n pang hapunan
Almusal, tanghalian at hapunan
Para kay Totoy ay 'di bale na lang
Huwag na lang
Huwag na lang
Huwag na lang