Ako si Gloc-9, batang Binangonan, Rizal
Tagasulat ng tula kahit medyo matagal
Hirap, t'yaga, dugo, pawis na may kasamang dasal
Tandang-tanda pa rin ang amoy ng tubig sa kanal
Ako si Gloc-9, taga-Binangonan, Rizal
Tagasulat ng tula kahit medyo matagal
Hirap, t'yaga, dugo, pawis na may kasamang dasal
Tandang-tanda pa rin ang amoy ng tubig sa kanal
Teka, bakit kailangang pakinggan ang mga hirit ng inggit?
'Di mo naman katuwang sa mabibigat
Habang lumalakad sa mataas na bangin
Hindi ka umiiling kahit matamaan ng kidlat
Sigaw ka nang sigaw pero walang nakikinig
Walang bumibilib hanggang sa tuluyan kang mamalat
Makamit mo lamang ang mga minimithi mong pangarap
Hindi bale nang mamatay ka nang dilat
Nakakapuwing ang lupa 'pag tumama sa mata
Mahirap magsalita 'pag nilamon ka ng kaba
Panghinaan man ng loob, 'wag kang magpahalata
Kung hindi mo man maaninag, pwede kang mangapa
Maputikan man ang iyong mga palad o paa
Sarili mo lamang ang s'yang kalaban mo, 'di iba
Habulin mo nang habulin kung sino ka sa pangarap
Iyong mahahanap kapag nasa malayo ka na
Tanawin mo ang mga dinadaanan mo dati
Kalimutan ang mga masasama na sinabi
Iwasang makasagi ng paa kung maaari
Kahit na kung minsan ay medyo nakakalalaki
Ayos lang, basta relax ka lang
'Wag kang hibang, 'wag padamihin ang ilang
Nang-iilang, ikaw lang ang nag-iisang
May alam kung ano'ng mapupuntahan
Ng 'yong ginagawa, mayro'n ka ba d'yang mapapala
Kahit sabihin pa ng iba na 'yan ay gawa-gawa
Hindi naman imbitado, kinakapalan ang mukha
Kinakausap ang sarili, medyo maluha-luha
Punasan, 'asa'n na ang pag-asa?
Sa musika, parang nawalan ka ng panlasa
Walang mainit na tubig, madami ang tasa
Sa panahon ngayon, 'di madali ang umasa
Bobolahin ka ng mga kumpanya
Pero ang mahalaga lamang ay ang kanya
Babalutan ng mga salitang kay ganda
Bago pa mahulugan ang iyong alkansya
Daming nagsasabi sa 'yo na umalis ka na lang
Ginagalingan mo palagi pero panis ka naman
Natuyo na'ng mga labi na hindi madampian
Ng mamantika na ulam sa aming hapag-kainan
Piliin lagi ang tama tapos iwasan 'yung isa
'Yan ang awitin ng buhay, 'di mahirap makabisa
Huminahon ka lamang at 'wag kang magpabalisa
Madaling matatapos kung maayos ang umpisa
Hanapin lagi ang tama tapos itapon 'yung isa
'Yan ang awitin ng buhay, 'di mahirap makabisa
Huminahon ka lamang at 'wag kang magpabalisa
Madaling matatapos kung maayos ang umpisa
Ako si Gloc-9, batang Binangonan, Rizal
Taga-sulat ng tula kahit medyo matagal
Hirap, t'yaga, dugo, pawis na may kasamang dasal
Tandang-tanda pa rin ang amoy ng tubig sa kanal
Ako si Gloc-9, taga-Binangonan, Rizal
Taga-sulat ng tula kahit medyo matagal
Hirap, t'yaga, dugo, pawis na may kasamang dasal
Tandang-tanda pa rin ang amoy ng tubig sa kanal
Piliin lagi ang tama tapos iwasan 'yung isa
'Yan ang awitin ng buhay, 'di mahirap makabisa
Huminahon ka lamang at 'wag kang magpabalisa
Madaling matatapos kung maayos ang umpisa
Hanapin lagi ang tama tapos itapon 'yung isa
'Yan ang awitin ng buhay, 'di mahirap makabisa
Huminahon ka lamang at 'wag kang magpabalisa
Madaling matatapos kung maayos ang umpisa
All School was written by Gloc-9.
Gloc-9 released All School on Fri Nov 20 2020.