Alala by Japsuki
Alala by Japsuki

Alala

Japsuki * Track #8 On Pinoy Pop

The music player is only available for users with at least 1,000 points.

Alala Lyrics

Kahit napaka ganda ng araw ko’y imposibleng hindi masira sa EDSA
Kahit isang pasada lang
Aanhin pa ang multa, kung wala din namang disiplina
Uulit-ulit lamang siya

Alala. Mag-alala
Bakit ‘di pa umuuwi ang aking mahal, ‘di kaya may iba?
Na-traffic lang pala
Alala. Mag-alala
Taga Paranaque pa ako
Kung pa-Novaliches ba kailangan ko pa ng visa?

Nangunguna sa balita kahit na headline lang ang alam
Imagine-in mo kung buhay mo pinag piyestahan ng kahit sino
Ipaubaya sa Maykapal para makuha mo ang gusto mo
Pero paano kung ‘di makamit ito?

Alala. Mag-alala
Napanaginipan ko nawalan ako ng ngipin, dalawa sila
Alala. Mag-alala
Naiwan ko atang bukas ang gripo sa banyo nanaman

Ang dami kong angal sa mundo
Nababawasan na ang IQ ko kaiisip ng solution
Nag fe-feeling merong position
Teka nga muna
Bakit ko ba pina komplika?
Eh kung sarili ko nga ang daming pending na kailangan baguhin
Simulan nang baguhin

‘Wag mag alala
Kanya-kanyang trip lang
Ayoko nang alalahanin pa
Kanya-kanyang trip lang

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com