[Verse]
Kay raming dahilan para sumuko
Mga hamon sa buhay
Lakas ko'y unti-unting inubos
Pagmamahal na minsang nadama
Ikaw at ako, saan na nga ba napunta?
[Refrain]
Sa kabila ng lahat
Araw ay sisikat din
Ako'y babangon muli
Sa liwanag ay magbabalik
[Chorus]
'Di hahayaan pa na muling madapa
'Di mapapagod na lumaban pa
Hangga't may pag-asa
Pangarap ay makakamtan ko na
Kinabukasan ko'y magniningning
Ako'y isang bituin, ako'y isang bituin
Hangga't may pag-asa
Pangarap ay makakamtan ko na
Kinabukasan ko'y magniningning
Ako'y isang bituin, ako'y isang bituin
[Bridge]
Kahit ako'y nahihirapan, hindi ako susuko
'Di hahayaan pa, 'di na madadapa
'Di mapapagod, 'di hahayaan pa
[Outro]
Kinabukasan ko'y magniningning
Ako'y isang bituin, ako'y isang bituin
Hangga't may pag-asa
Pangarap ay makakamtan ko na (Pangarap ay makakamtan)
Kinabukasan ko'y magniningning
Ako'y isang bituin
Ako’y Isang Bituin (Theme from ”Inagaw Na Bituin”) was written by Natasha Correos.
Ako’y Isang Bituin (Theme from ”Inagaw Na Bituin”) was produced by GMA Playlist.
Kyline-alcantara released Ako’y Isang Bituin (Theme from ”Inagaw Na Bituin”) on Mon Feb 11 2019.