Ako Si Jomer (Legasiya)

OG Kaybee & Smugglaz (PHL)

Download "Ako Si Jomer (Legasiya)"

Ako Si Jomer (Legasiya) by OG Kaybee (Ft. Smugglaz (PHL))

Release Date
Wed Mar 09 2022
Performed by
OG KaybeeSmugglaz (PHL)

Ako Si Jomer (Legasiya) Lyrics

[Verse 1: OG Kaybee]
Halika makinig ka nang pansamantala
Ako si Jomer, pare, kung hindi mo kilala
Ikukwento ko sa'yo ang mga nais ko ng sabihin
Nanggaling sa wala pero hindi nagpaalipin
Ako ay isang batang nangarap lang noon
Magpasa-hanggang ngayon marunong pa rin lumingon
Kung anong meron ako yun ay aking pinaghirapan
Hindi ko nilimos ang respeto at palakpakan
Kusang ibinigay sa'kin at ipinagkaloob
Naranasan lumubog nagtyaga at sa loob
Ng pitong taong paghihintay at sinanay ang sarili
'Di lahat sa'yo ay tunay, meron din makarasarili
Oo parehas tayo, parehas tayong tao
Pero hindi ibig sabihin magkatulad tayo
Iba ang natural sa nagpapakitang tao
Iba ang ginagago sa taong nirerespeto

[Chorus: Smugglaz]
Isa lang ang buhay, marami ang hukay
Gamitin mo sa tama't makabuluhan
Ang mga putik sa'yong nakaraan
Ay 'di magiging salamin ng 'yong pupuntahan
At kung sakaling dumating ang araw na mawala ka
May legasiyang maiiwan kung pa'no ka nila maalala

[Verse 2: OG Kaybee]
Gusto nilang tapakan, sakupin at lakaran
Pasukin ang lugar kung saan ako ang harang
Nagkaroon man ng kaaway, 'yun ay dahil may atraso
Hindi ko kagustuhan ang patong-patong na kaso
Mayabang daw tignan kasi marami ngang tattoo
Madalas kasing seryoso at hindi nagbibiro
Pero sa kabilang banda sa'king mata mo makikita
Ang tunay na ako at kung pa'no 'ko makisama
Ako si Jomer, sanay sa buhay na 'di marangya
Ako'y laki din sa kalsada pero hindi walangya
Maagang nagkaanak maagang nagkaasawa
Maaga ring nagsawa nagpaka buhay binata
Dahil sa tawag ng pangangailangan
Napilitan kumapit sa patalim dahil kailangan
Kahit ayoko ay wala akong magagawa
Kung 'di ako kikilos ay walang mapapala
Hanggang lumawak nang lumawak ang aking nilalarakan
Mas dumami ang kaibigan kesa sa mga kaaway
Dahil sa pakikisama at walang inargabyado
Naglakbay hanggang Tundo naging sundalo sa'ming kampo (187)

[Bridge: OG Kaybee]
At ngayon nandito na sa dating 'di ko maabot
Aking pangarap na akala ko sa'ki'y pinagdamot
'Yung mga dating imposible, ginawa ko 'yung possible
Sa tulong ng mga taong naniwala't nanitili
Pasasalamat nang lubos ay kailangan umaapaw
Sa bawat kaganapang kayamanang 'di maagaw
Tanging tangan ang ay pangalan at kwento ko balang araw
Ang liwanag kong hiling na galing sa bulalakaw

[Chorus: Smugglaz]
Isa lang ang buhay, marami ang hukay
Gamitin mo sa tama't makabuluhan
Ang mga putik sa'yong nakaraan
Ay 'di magiging salamin ng 'yong pupuntahan
At kung sakaling dumating ang araw na mawala ka
May legasiyang maiiwan kung pa'no ka nila maalala

[Chorus: Smugglaz]
Isa lang ang buhay, marami ang hukay
Gamitin mo sa tama't makabuluhan
Ang mga putik sa'yong nakaraan
Ay 'di magiging salamin ng 'yong pupuntahan
At kung sakaling dumating ang araw na mawala ka
May legasiyang maiiwan kung pa'no ka nila maalala

[Outro: Smugglaz]
Maalala, maalala, maalala
Maalala, maalala, maalala
Kung pa'no ka nila maalala

Ako Si Jomer (Legasiya) Q&A

Who wrote Ako Si Jomer (Legasiya)'s ?

Ako Si Jomer (Legasiya) was written by OG Kaybee & Smugglaz (PHL).

When did OG Kaybee release Ako Si Jomer (Legasiya)?

OG Kaybee released Ako Si Jomer (Legasiya) on Wed Mar 09 2022.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com