[Verse 1]
Minsan na lang akong umibig
Ako ba'y nagkamali?
’Di sinadyang mahulog sa'yo
Mayro'n bang nagmamay-ari
[Refrain]
Kahit na anong pilit
Katotohana’y may galit
Dinggin ang sigaw ng damdamin
[Chorus]
Ako na lang sana ang 'yong minahal
Ako na lang sana ang 'yong ligaya
Ako na lang sana, hanggang pagtanda
Ako na lang, sinta
[Verse 2]
Pagsubok lang ba o 'di para sa'kin?
Dapat nga bang bumitiw?
Ba't nagtagpo ang ating puso?
Kung ikaw rin ay aalis
[Refrain]
Pag-ibig ko'y 'di mapigil
Kahit na may pighati
Dinggin ang sigaw ng damdamin
[Chorus]
Na ako na lang sana ang ’yong minahal
Ako na lang sana ang ’yong ligaya
Ako na lang sana, hanggang pagtanda
Ako na lang, sinta
[Bridge]
Pilit kong ipaglaban
Ang kapalarang hindi na matagpuan
[Verse 3]
Kaya ayoko na sanang magmahal
Ayoko na sanang muling umasa
Ayoko na sanang masaktan
Ngunit ikaw ang mahal
[Outro]
Ikaw na lang sana ang nakalaan
Ikaw na lang sana ang tanging kayakap
Ikaw na lang sana, wala nang iba
Ikaw na lang, mahal
Ako Na Lang Sana was written by Mark Carpio.
Ako Na Lang Sana was produced by Mark Carpio.
Mark Carpio released Ako Na Lang Sana on Fri Jun 22 2018.