Akin Ka Na Lang by Vice Ganda
Akin Ka Na Lang by Vice Ganda

Akin Ka Na Lang

Vice Ganda * Track #3 On Vice Ganda

Akin Ka Na Lang Lyrics

Hay, nakita ko na naman s'ya
Sana mapansin n'ya rin ako, ha

Ang buhay ko ay simple
Minsan ay umabot pa rin sa imposible
Makapitan ka na parang gagamba sa dingding
Nais ko lang naman ay ikaw ay makapiling, yo

Alam ko, ako'y bulag sa 'yo
Sa 'yo'y umiibig ako
Kahit na pinipilit ko
Ang sarili ko para sa 'yo

Pero sana'y magustuhan mo rin ako
Ito ang sinasabi ng puso ko
Pero sana'y intindihin ang damdamin ko
Ito ang sinasabi ng puso ko

Akin ka na lang, akin ka na lang
Ika'y aking iingatan
Akin ka na lang, akin ka na lang
Ika'y aking iingatan

'Di ko maipilit, puro panaginip
Pero 'di naiinip sumilip, 'yan ang hilig
Pwede bang sumama? Ako na lang sana
Feeling ko, sa piling mo ako ay masagana

Ibibigay ang hilig mo
Kahit ano man ang gusto
Ipapakita ko sa 'yo
Hindi ako nagbibiro

Sana naman magustuhan mo rin ako
Ito ang sinasabi ng puso ko
Sana naman intindihin ang damdamin ko
Ito ang sinasabi ng puso ko

Akin ka na lang, akin ka na lang (sana'y akin ka na lang, sana'y akin ka na lang)
Ika'y aking iingatan (uh-uh-uh, 'di kita 'pagpapalit sa sinuman)
Akin ka na lang, akin ka na lang (sana'y akin ka na lang, sana'y akin ka na lang)
Ika'y aking iingatan (uh-uh-uh, aalagaan pagdating sa kamatayan)

Lahat ibibigay sa 'yo na kapag kasama
Kung minsan makulit, pasensya talaga kitang
Gustong-gusto makasama, kahit mapasama
Lahat iindahin, mapasaakin ka lang sana

Habang pinipilit ay nasasaktan ko
Ang damdamin ko para sa 'yo
Alam ko na iba naman ang 'yong gusto
Mr. Kupido, ako'y tulungan mo

Mahalin mo ako ng totoo ang pangarap ko
Sabihin mo sa labi mong iniibig mo
Mahalin mo ako ng totoo ang pangarap ko
Ibibigay sa 'yong lahat ang ibig mo

Akin ka na lang, akin ka na lang (sana'y akin ka na lang, sana'y akin ka na lang)
Ika'y aking iingatan (uh-uh-uh, iingatan kita para paglabanan)
Akin ka na lang, akin ka na lang (sana'y akin ka na lang, sana'y akin ka na lang)
Ika'y aking iingatan (uh-uh-uh, kasama mo sa lahat ng pagdaraanan)

Akin ka na lang, akin ka na lang (sana'y akin ka na lang, sana'y akin ka na lang)
Ika'y aking iingatan (uh-uh-uh, 'di kita 'pagpapalit sa sinuman)
Akin ka na lang, akin ka na lang (sana'y akin ka na lang, sana'y akin ka na lang)
Ika'y aking iingatan (uh-uh-uh, aalagaan pagdating sa kamatayan)

Akin ka na lang, akin ka na lang (sana'y akin ka na lang, sana'y akin ka na lang)
Hinding-hindi kita iiwan (uh-uh-uh, iingatan kita para paglabanan)
Akin ka na lang, akin ka na lang (sana'y akin ka na lang, sana'y akin ka na lang)
Hinding-hindi kita iiwan (uh-uh-uh, kasama mo sa lahat ng pagdaraanan)

Oh, akin ka na lang kasi
Payag ka na, ako'ng bahala sa 'yo, ha

Akin Ka Na Lang Q&A

Who wrote Akin Ka Na Lang's ?

Akin Ka Na Lang was written by Rox Santos.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com