Malapit ka sa paningin
Ngunit ika’y malayong abutin
Dalawang taong gustong kumawala
Sa gapos ng panahong nanunuya
Ako’y narito’t naghihintay
Pangarap ko sana’y ibigay
Sana ika’y abot kamay
Kinabukasa’y atin nang taglay
Kung ikaw ay abot kamay
Ginto at pilak, puso’t damdamin
Agwat at lupa at mga bituin
Sumisigaw upang marinig
Ngunit karamay ko ay gabing malamig
Sana ika’y abot kamay