Abelyana by Maki
Abelyana by Maki

Abelyana

Maki (PHL)

Download "Abelyana"

Abelyana by Maki

Release Date
Fri Sep 19 2025
Performed by
Maki (PHL)
Produced by
Shadiel Chan
Writed by
Maki (PHL)

Abelyana Lyrics

[Verse 1]
Nakangiti nang mag-isa
Napanaginipan na naman kita
Takot ako sa matataas pero, kung sa'yo mahuhulog
Ayos lang masiraan ang ulo, hawak mo naman aking puso

[Pre-Chorus]
Kung ako man ay tanungin mo
Hindi ikakaila ang kakakaibang
Kuntento na nadarama
Sana hindi na mabalewala
Inipon kong kumpyansa
Para lang makasilip sa

[Chorus]
Pasulyap-sulyap mong mata
Ano nga ba tayo talaga?
Wala namang nakakahalata
Pwede bang sabihin mo na
Kung may pagtingin ka rin sa akin?
At kung malabo man
Pwede bang dagdagan na lang ng grado ang salamin?
Para malinaw sa'ting dalawa

[Verse 2]
Mahirap ang paligoy-ligoy pa, pwede ba?
'Wag na nating patagalin, sige na (Sumbong kita kay tadhana)
Subukan mo namang tumaya (Kasi)
Iba ka na makatingin
Na para bang ika'y may pagtingin sa akin

[Pre-Chorus]
Kung ako man ay tanungin mo
Hindi ko tatanggihan mga ganyang hamunan
Medyo nakakakaba
Kung nakamamatay ang pagtitig ay matagal na 'kong biktima (Ng)

[Chorus]
Pasulyap-sulyap mong mata
Ano nga ba tayo talaga?
Wala namang nakakahalata
Pwede bang sabihin mo na
Kung may pagtingin ka rin sa akin?
At kung malabo man
Pwede bang dagdagan na lang ng grado ang salamin?

[Instrumental Break]

[Chorus]
Pasulyap-sulyap mong mata
Ano nga ba tayo talaga?
Wala namang nakakahalata
Pwede bang sabihin mo na
Sabihin mo na ang nadarama
At kung malabo man
Pwede bang tanggalin ko na lang ang salamin?
Para kunwari sa'kin ka nakatingin

Abelyana Q&A

Who wrote Abelyana's ?

Abelyana was written by Maki (PHL).

Who produced Abelyana's ?

Abelyana was produced by Shadiel Chan.

When did Maki (PHL) release Abelyana?

Maki (PHL) released Abelyana on Fri Sep 19 2025.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com