[Verse 1]
Halika, tayo'y matulog na
Sabay nating ipikit ang ating mga mata
At managinip
Ng hindi kapani—
Kapani-paniwala
[Pre-Chorus]
Darating (Darating) binibilang ang sandali
Sabay nang hihiling, ngunit
[Chorus]
Malimit (Malimit) ang paglilimi (Paglilimi)
Maaari (Maaari) ba na tugma (Tugma)
Ang binubulong natin sa gabi? (Gabi)
Aamin sa bituin (Bituin)
Nawa'y panaghoy ko'y dinggin
[Verse 2]
Hindi kaya'y ipinid mo
Ang makitid na espasyo (Espasyo)
Mapatungo sa pinto
Ng iyong puso
[Pre-Chorus]
Itatago na lang ba't lalabanan
Ang damdaming marubdob?
[Chorus]
Malimit ang paglilimi
Maaari ba na tugma
Ang binubulong natin sa gabi? (Gabi)
Aamin sa bituin
Nawa'y panaghoy ko'y dinggin mo
[Post-Chorus]
Oh, oh, oh, oh, oh
Oh, oh, oh, oh, oh
Oh, oh, oh, oh, oh
Oh, oh, oh
[Chorus]
Malimit ang paglilimi
Maaari ba na tugma
Ang binubulong natin sa gabi
Aamin sa bituin
[Verse 3]
Gusto man sabihin
Hihintayin na lang muna at darating din
Kung 'di man palarin
Bukas-pusong tatanggapin