INTRO:
Habang hindi karapat-dapat
Pag ukulan ng habag
At wagas Mong pagsinta
Habang walang kakayanang
Masuklian Ka ng mabuti
Sa lahat Mong ginawa
PRE-CHORUS:
Niyakap Mo ako
Sa aking karumihan
Inibig Mo ako
Ng 'di kayang tumbasan
CHORUS:
O Diyos ng katarungan
At katwiran na kahit minsa'y 'di nabahiran
Ang kabanala't kaluwalhatian
Salamat sa sukdulang biyaya Mo
O Diyos ng pag-ibig na mas malawak pa
Kaysa aking mga pagkakasala
Higit pa sa buhay ko
Salamat sa sukdulang biyaya Mo
Sukdulang Biyaya was written by Musikatha.
Sukdulang Biyaya was produced by Eulito Doinog.
Eulito Doinog released Sukdulang Biyaya on Thu Feb 09 2023.