Maraming bukol sa aking mukha
Na nakaukol at sinasadya
Laging sinasalo ng sanga at dahon ko
Maraming bukol sa aking mukha
Dahil ang puno ko'y hitik
Madaming bagay ang gusto kong sagutin
Tuwing haharangin at tatanungin
Mga asal na sa'ki'y nagpapailing
Ang palaging bungad bakit ang aga mong dumating
Bawat trabahong tinapos haharapin
Sa'n man gaganapin aking kakagatin
Na parang tayo'y nasa 1997 ulit
At wala akong alam na ibang gusto kong gawin
Kahit sablay ang damit, ang mikropono'y punit
Sabi nga ng nanay ko sa'kin ay diyan ka magaling
'Di ko inakala na ako ay may mararating
Pero buo ang tiwala sa bitbit na anting-anting
Na walang anuman ang sa akin ay makakapigil
At ang talunan sa'kin ay isang maliit na butil
Ng buhangin sa pangpang matamis na hinahagkan
Ang dagat ng isang gutom na aso na sumasagwan
Sa isang pirasong tinapay na sa'kin ay umakay
Tuwing sakto ang pera dadayo doon sa Pasay
Pabalik ng Baclaran, Las Piñas papuntang Cavite
'Pag pauwi sabit sa jeep na Alabang Zapote
Nagpupumilit sumingit palad 'di maiguhit
Pagkatapos ng lahat-lahat ay dapat kong masulit
Para sa'king mga anak kahit 'di maitatak
Ang aking pangalan makasabay sa mga yapak
Salamat kahit na ako ay isa lamang manunula
Ay may natungtungan na rin akong nakakalula
May kanin sa kaldero at may yero sa bubong
Para sa mga mahal 'yan ang palagi kong tugon
Dahil marami ang laging nakaabang na ulupong
Lait na pasigaw sa'kin ay mga mahinang bulong
Kaya damihan mo ang hawak na pamukol na bato
Ang tangi kong hiling sana'y mabusog ka sa bunga ko
Maraming bukol sa aking mukha
Na nakaukol at sinasadya
Laging sinasalo ng sanga at dahon ko
Maraming bukol sa aking mukha
Dahil ang puno ko'y