[Verse 1]
Umaga na ba't naubusan ng dilim
Sa pagkahibang sa'yo at 'yong mga tingin
Pag lumayo, parang ulap sa langit
Pangalan mo'y kasiyahan ko
[Pre-Chorus]
Tila naaaninag ang bukas ko sa'yo
Handa na maalila mo
[Chorus]
Halina't sumayaw sa tinig ng kahapon
Huwag ka bumitaw, malaya na tayo
Sa mga alaalang humahadlang sa 'ting pagsinta
Hayaang ibigay sa'yo ang tadhana
[Verse 2]
Sumama ka na, 'huwag pigilan ang hangin
Handa ka na ba sa ihip ng gabi?
Pag magkaharap tayo'y wala nang hihingin
Kalayaan ko'y ikaw
Ooh-oh
[Pre-Chorus]
Tila naaaninag ang bukas ko sa'yo
Handa na maalila mo
[Chorus]
Halina't sumayaw sa tinig ng kahapon
Huwag ka bumitaw, malaya na tayo
Sa mga alaalang humahadlang sa 'ting pagsinta
Hayaang ibigay sa'yo ang tadhana
[Bridge]
Liliparin ang mga tala
Lilituhin ang agos ng mundo
Liliparin ang mga tala
Aabutin kung sa'n gusto
[Chorus]
Halina't sumayaw sa tinig ng kahapon
Huwag ka bumitaw, malaya na tayo
Sa mga alaalang humahadlang sa 'ting pagsinta
Hayaang ibigay sa'yo ang tadhana
Sumayaw was written by Nhiko Sabiniano.
Sumayaw was produced by Paulo Agudelo.
Kelvin Miranda released Sumayaw on Fri Nov 18 2022.