Hithit-Buga Lyrics

[Intro]
Ilayo mo sa akin 'yang sigarilyo

[Verse 1]
Hithit-buga, hithit-buga
Ang baga mo'y nangingitim
Hithit-buga, hithit-buga
Ang puso mo'y dumidilim
Ang usok mo ay lason
Ayokong langhapin
'Wag mo akong idamay
Dahan-dahang patayin
Ilayo mo sa akin 'yang sigarilyo

[Verse 2]
Labas-pasok sa bibig (Labas-pasok sa bibig)
Labas-pasok sa ilong (Labas-pasok sa ilong)
Labas-pasok sa bibig (Labas-pasok sa bibig)
Labas-pasok sa ilong (Labas-pasok sa ilong)
Kay raming naiiwan sa loob ng katawan
May nicotine, may carbon
At kung ano pa diyan
Ilayo mo sa akin 'yang sigarilyo

[Instrumental Break]

[Verse 3]
Patay-sindi, patay-sindi
'Pagkat hindi mapakali
Patay-sindi, patay-sindi
Dahil may yosing katabi
Pagkatapos mong kumain
Kasama sa kape
Uutang sa tindahan
'Pag wala nang pambili
Ilayo mo sa akin 'yang sigarilyo

[Verse 4]
Hithit-buga, hithit-buga (Hithit-buga, hithit-buga)
Laging kapos sa hininga (Laging kapos sa hininga)
Hithit-buga, hithit-buga (Hithit-buga, hithit-buga)
Ayaw mo na, gusto mo pa (Hithit-buga, hithit-buga, hithit-buga)
Nasunog na ang kuwarta
Pati ang katawan
Habang hindi pa naaadik
'Wag mo nang subukan
Ilayo mo sa akin 'yang sigarilyo

[Outro]
Ilayo mo sa akin 'yang sigarilyo

Hithit-Buga Q&A

Who wrote Hithit-Buga's ?

Hithit-Buga was written by Joey Ayala.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com