[Verse 1: Wilbert Ross]
Mga gabing malalim pa ang aking damdamin
Kesa langit na kay dilim
Ayoko nang naisin na may makapansin
Bigat na sa 'kin lang, ngiting mapanlinlang
[Pre-Chorus: Wilbert Ross]
Lumayo ka na ayaw lang na madamay pa
Kaya kong mag-isa
[Chorus: Wilbert Ross]
Handa
Handa ka bang ibigin pa
Ako ngayong walang saya
Ngayong nakita mong sira
Handa ka bang ibigin pa
[Verse 2: Mika Salamanca]
Tawagin ang pangalan ko mahal
Kung pagtibok ng puso ay nagbabagal
'Wag mag-alinlangang lumapit, sumandal
Kailangan lang ng yakap na kayang magtagal
[Chorus: Mika Salamanca]
Handa
Handa akong ibigin ka
'Di lang tuwing mayro'ng saya
Maging sa 'yong pag-iisa
Handa akong ibigin ka
[Instrumental Break]
[Verse 3: Wilbert Ross, Mika Salamanca]
Sana'y 'wag mapagod
Sa isip kong nalulunod
Magpahinga sa 'kin, sinta
[Chorus: Wilbert Ross & Mika Salamanca]
Handa
Handa akong ibigin ka
'Di lang tuwing mayro'ng saya
Maging sa 'yong pag-iisa
Handa akong ibigin ka
Handa Ako was written by Wilbert Ross & Rangel (PHL).
Handa Ako was produced by Wilbert Ross.
Wilbert Ross released Handa Ako on Fri Oct 13 2023.