[Verse 1]
Nandito na naman sa 'yong tabi
Tila nagtataka kung bakit nga ba
'Di naman masabi na sa'yo'y 'di makita
Ang mayro'n s'ya, puso'y naninimbang
[Pre-Chorus]
Lahat ng nakikita'y iba'ng gumaganap
Malayo sa lahat ng inakala mong dapat
[Chorus]
Hindi ko naman sinasadya na umibig sa kanya
Ligaya sa 'yo'y 'di maramdaman
Sana ang puso'y kayang turuan na ikaw ang mahalin
Ngunit 'di kaya, 'di kayang pilitin, hmm
[Verse 2]
Iba't ibang pagkakataon, sinubukan kong sundin
Bulong ng isip, hadlang man ang damdamin
Hindi ko maamin na sa 'yo'y 'di makita
Ang mayro'n s'ya, oh, 'di ko alam
[Pre-Chorus]
'Pagkat lahat ng nakikita'y iba'ng gumaganap
Malayo sa lahat ng inakala mong dapat
[Chorus]
Hindi ko naman sinasadya na umibig sa kanya
Ligaya sa 'yo'y 'di maramdaman
Sana ang puso'y kayang turuan na ikaw ang mahalin
Ngunit 'di kaya, 'di kaya
[Bridge]
Alam ko, binigay mo ang lahat
Kahit pa hindi magawa na pantayan
Lahat ng ginawa mo para sa 'kin
Pasensya ka na, alam kong masakit
[Chorus]
Hindi ko naman sinasadya na umibig sa kanya
Ligaya sa 'yo'y 'di maramdaman
Sana ang puso'y kayang turuan na umibig sa iyo
Ngunit 'di kaya, ooh, whoa
[Outro]
Ang puso'y kayang turuan na umibig sa iyo
Ngunit 'di kaya, 'di kayang pilitin
Di Kayang Pilitin was written by Klarisse.
Di Kayang Pilitin was produced by Francis Guevarra.