Iisang Tulay by Mike Kosa (Ft. OG Sacred & Skusta Clee)
Iisang Tulay by Mike Kosa (Ft. OG Sacred & Skusta Clee)

Iisang Tulay

Mike Kosa & Skusta Clee & OG Sacred * Track #1 On BETERANO

Download "Iisang Tulay"

Iisang Tulay by Mike Kosa (Ft. OG Sacred & Skusta Clee)

Release Date
Fri Jul 17 2020
Performed by
Mike KosaSkusta Clee & OG Sacred
Produced by
Writed by
Mike Kosa & Skusta Clee & OG Sacred

Iisang Tulay Lyrics

[Verse 1: Mike Kosa]
Tirik ang araw, naka-linya, siksikang nakapila
Tumutok ang pangalan sa roleta't makilala
Sa daming kumikinang, marami pa rin ang iilang
Yamang ’di pa nakikita na parang Yamashita
Iba't ibang pakara kaniya-kaniyang mga padama
May mahusay, may pera, may tyaga at naka-tsamba
Pati pato ang gusto, kahit may pamanggulo
Kung sugal ay unahan sa tuktok ng triangulo
Industriyang kinamulatan natin tila paligsahan
Kanino tatapat ang ilaw? Dito sa gitna
Aral na 'di kagad pumasok sa ulong may katigasan
Umabot na sa puntong magpalitan ng tingga
Mga ihi na nagtaasan, mga kwentong paangasan
Nangyari ’tong lahat sa nilakaran kong daanan
Alam mo na 'di kailangan magbungguan, magbanggaan
Kung tayo-tayo din ang magkikita sa hangganan

[Chorus: Skusta Clee]
Kaya bakit ba tayo (Oh)
Hindi susunod sa tadhana
Halika na't kumapit ka (Halika na)
Tayo din naman ang magkakasama
Sa industriya ng musika
Isa lang ang dadaanan (Isa lang ang dadaanan)
Isa lang ang dadaanan nating tulay

[Verse 2: OG Sacred]
Iba't ibang himig, minsan negosyo, minsan ay hilig
May mga bunga ng galit at may dahil sa pag-ibig
Maraming nagsisitsitan, sa daming nagsisiksikan
Sa pila nagsisingitan, sa pwesto nagkikiskisan
Kampo-kampo, bukod-bukod lahat may saksak sa likod
'Pag bago para bang obligadong maging taga-sunod
Lahat may pang ambag, lahat puro gigil
Kada may dadagdag, merong naniningil
Nakikiuso lang 'pag bago, laos na 'pag naluma
Mababaw 'pag sumikat, ’pag malalim, ’di makuha
Nakamulatang pasa-pasa
Dekada ng sistema sa industriya at sa kultura
Sama-sama sa isang tulay habang naglalaglagan
Kapayapaan ang sinisigaw habang nagbabanggaan
Tayo-tayo, 'di na magbabago, ’lika sumama ka
Buksan ang isip na sarado sa pagkakaisa

[Chorus: Skusta Clee]
Kaya bakit ba tayo (Oh)
Hindi susunod sa tadhana
Halika na't kumapit ka (Halika na)
Tayo din naman ang magkakasama
Sa industriya ng musika
Isa lang ang dadaanan (Isa lang ang dadaanan)
Isa lang ang dadaanan nating tulay

[Verse 3: Mike Kosa, OG Sacred, Mike Kosa & OG Sacred]
Hatakan tayo paakyat, hanggang sa umangat
Hanggang ang ating musika ay tangkilikin ng lahat
Akayin ang mga luma, gabayan ang mga bago
Bawas nega—, bawat kilos dapat laging positibo
Sakripisyo, tyaga, at hirap, pagsusumikap
Ang mangarap ang hakbang sa katuparan ng pangarap
Alam ko na alam niyo rin na kaya natin 'tong gawin
Sa ngalan ng kultura, sama-sama nating tawirin

[Chorus: Skusta Clee]
Kaya bakit ba tayo (Oh)
Hindi susunod sa tadhana
Halika na't kumapit ka (Halika na)
Tayo din naman ang magkakasama
Sa industriya ng musika
Isa lang ang dadaanan (Isa lang ang dadaanan)
Isa lang ang dadaanan nating tulay
Kaya bakit ba tayo (Oh)
Hindi susunod sa tadhana
Halika na’t kumapit ka (Halika na)
Tayo din naman ang magkakasama
Sa industriya ng musika
Isa lang ang dadaanan (Isa lang ang dadaanan)
Isa lang ang dadaanan nating tulay

Iisang Tulay Q&A

Who wrote Iisang Tulay's ?

Iisang Tulay was written by Mike Kosa & Skusta Clee & OG Sacred.

Who produced Iisang Tulay's ?

Iisang Tulay was produced by .

When did Mike Kosa release Iisang Tulay?

Mike Kosa released Iisang Tulay on Fri Jul 17 2020.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com