Kabukiran Medley Lyrics

[Verse 1]
Tayo na sinta, sandali at limutin ang himutok
Ang mga mata'y itanaw sa mga luntiang bundok
At sa bukid mo langhapin ang hanging malamyos
Na singlinis ng pagsintang ’di ko matanos

[Verse 2]
Ang mga pipit sa galak ay nag-aawitan
Ang ibig sabihin, "Kay sarap mabuhay" (Kay sarap mabuhay)
Kung maralita man ikaw at salat sa yaman
Ang ginhawa mo'y narito sa kabukiran

[Verse 3]
Tatalon-talon, iindak-indak ang tubig sa batis
Kung pigilin mo'y pipiglas-piglas tulad ng pag-ibig
At tuloy pa rin ang pipit sa pag-awit
Sa mga pook na ito’y walang hapis

[Verse 4]
Kukunday-kunday ang maninipis na dahong kawayan
Sasayaw-sayaw sa nagdaraang mabangong amihan
At ako'y iyo sinta, habang-buhay
Sa gitna nitong masaganang kabukiran

[Verse 5]
Arimunding-munding (Arimunding-munding)
Halina at magsayaw
Arimunding-munding (Arimunding-munding)
At pakunday-kunday (pakunday-kunday)
Sa inindak-indak at sarap ng pag-imbay
Ay bagayan mo sinta, himig ng tugtugan

[Verse 6]
Limutin ang iyong kalungkutan
Sa galak, ating subaybayan bawat kumpas sa palakpak
At upang sumaya ang ating pusong kay wagas
Nang malimot ang lahat ng hirap na tinataglay

[Verse 7]
Ika'y paruparo, bulaklak naman ako
Na nasa hardin ng masamyong ganda't bango
Kung sakali't dumating 'yang ulat-bagyo
Sugod na sa pakpak mo, silong na sa ubod ko

[Verse 8]
Ika'y paruparo, bulaklak naman ako
At magkasuyo tayo
Sa sakdal-tamis mong paglingap, irog ko
Langit ko'y pag-ibig mo

[Outro]
Langit ko’y pag-ibig mo

Kabukiran Medley Q&A

Who wrote Kabukiran Medley's ?

Kabukiran Medley was written by Constancio de Guzman & Levi Celerio.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com