[Chorus]
Papuri, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Papuri, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
[Verse 1]
At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
Dahil sa dakila Mong angking kapurihan
[Chorus]
Papuri, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Papuri, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
[Verse 2]
Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama
[Chorus]
Papuri, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Papuri, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
[Verse 3]
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin, maawa Ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa Ka sa amin, maawa Ka sa amin
[Chorus]
Papuri, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Papuri, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
[Verse 4]
Sapagkat Ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen
[Chorus]
Papuri, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Papuri, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
[Outro]
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Papuri Sa Diyos (Revised Text) was written by Traditional.