[Verse 1]
No'ng una kang makita
Alam mo ba, sinta?
Ako ay nagalit dahil masungit ka
Ngunit hindi naglaon, nakilala rin kita
Marunong ka rin naman palang tumawa
[Verse 2]
At nang kita'y kausapin, ako'y nangangamba
Na baka ika'y magalit at umiwas ka, sinta
Ngunit ako'y namangha dahil sa'yong pinakita
Hindi ka naman pala totoong suplada
[Chorus]
Minahal kita hindi lang dahil maganda ka
Minahal kita hindi rin dahil mahinhin ka
Minahal kita lalong hindi dahil mayaman ka
Minahal kita sa taglay mong pambihira
[Verse 3]
Minsan ako'y lumisan, akala ko hirang
Iyong kalilimutan ang bakas ng suyuan
Ngunit aking nalaman, buhat sa isang kaibigan
Ginagabi ka raw sa ating tagpuan
[Chorus]
Minahal kita hindi lang dahil maganda ka
Minahal kita hindi rin dahil mahinhin ka
Minahal kita lalong hindi dahil mayaman ka
Minahal kita sa taglay mong pambihira
[Chorus]
Minahal kita hindi lang dahil maganda ka
Minahal kita hindi rin dahil mahinhin ka
Minahal kita lalong hindi dahil mayaman ka
Minahal kita sa taglay mong pambihira
[Outro]
Minahal kita sa taglay mong pambihira
Minahal kita sa taglay mong pambihira
Minahal Kita was written by Michael Laygo.