Ako'y Iniwan Mo by Eva Vivar & Vic Silayan
Ako'y Iniwan Mo by Eva Vivar & Vic Silayan

Ako’y Iniwan Mo

Eva-vivar

The music player is only available for users with at least 1,000 points.

Download "Ako’y Iniwan Mo"

Ako'y Iniwan Mo by Eva Vivar & Vic Silayan

Performed by
Eva-vivar

Ako’y Iniwan Mo Lyrics

[Verse 1: Eva Vivar]
Ako'y iniwan mo
Iniwang may dusa
At walang awang winasak mo
Ang ating sumpaan

[Verse 2: Eva Vivar]
Ngayong ako'y sawi sa 'yong pagmamahal
Luha at pighati, kaulayaw sa tuwi-tuwina

[Bridge: Eva Vivar]
Bakit nagkaganyan
Ang 'yong pagmamahal?
'Di ba pangako mo
Tanging ako lamang, hirang?

[Verse 3: Eva Vivar]
Nang siya ay dumating
Bigla kang nawala
Nang muli kang makita
Ikaw pala'y kapiling niya

[Interlude: Vic Silayan]
Mahal ko, said na said ng anumang paliwanag
Upang ako'y mapatawad mo sa aking pagkakasala
Subalit nais ko pa rin malaman mong sa ating pagkakawalay
Ay nagdurugo ang puso ko sa pagdaramdam
Hindi kapatawaran ang aking hinihingi
Kundi ang iyong pang-unawa
Hindi ko man nakayanan salungain
Ang humadlang sa ating pagmamahalan
Dito sa balat ng lupa, hanggang sa kabilang buhay
Ikaw ay mananatiling nakaukit sa aking puso
Sapagkat ikaw ang tunay kong minamahal
Ang pag-ibig raw ay pangarap
Kaya't sa pangarap ko na lamang bubuhayin
Ang ating naunsiyaming pagmamahalan
At kung ito man ay isang pagsubok lamang
Hindi magtatagal at pagsasaluhan natin
Ang walang kahulilip na kaligayahan
Sa dako pa roon, sa sinapupunan ni Bathala

[Bridge: Eva Vivar]
Bakit nagkaganyan
Ang 'yong pagmamahal?
'Di ba pangako mo
Tanging ako lamang, hirang?

[Verse 3: Eva Vivar]
Nang siya ay dumating
Bigla kang nawala
Nang muli kang makita
Ikaw pala'y kapiling niya

Ako’y Iniwan Mo Q&A

Who wrote Ako’y Iniwan Mo's ?

Ako’y Iniwan Mo was written by .

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com